Saturday, October 23, 2010

Pugad Baboy 22

May Pugad Baboy 22 na!

Lampas isang taon na rin nung nilabas yung 21. Ang theme naman ng cover ngayon e Costume Party. Mula comics hanggang movie characters kinosplay nila. Tignan nyo kung sino yung mga ginagaya nila:

Astig talaga ni PMJR.

Syempre walang pinagbago 'to sa mga naunang Pugad Baboy. Puno na naman ng mga antics ng mga residente ng pugad. Marami ring topics na nauso this past year na hinaluan ng humor gaya ni Manny Pacquiao, pati Road Rage, Swine Flu, hanggang kay Michael Jackson.

Syempre 22 lahat ng characters sa cover.

Yun nga lang, wala na namang story arc sa Pugad Baboy 22. Abangan na lang natin kung may Sunday Comics 3, baka meron. Sa mga magtatanong, P180 ang bili ko sa National Bookstore. Sa Trinoma ko pa lang sya nakita. Pero malamang meron na rin sa ibang bookstore.

P.S.
Bilin nyo naman yung mga comics, wag nyong buksan at sa bookstore na lang basahin. Malulugi sila nyan baka hindi na sila magbenta. Haha! XD

2 comments:

Oeneri said...

san po ba makakabili ng pugad baboy 22 at sunday comics 2.. wla akong makita sa mga bookstore e!

Michael said...

Oeneri, sa mga national bookstore ko sila nabili. Baka naubusan lang sila ng stock. Mabenta rin kasi ang Pugad Baboy. Medyo matagal din sila magre-stock kaya subukan mo na lang din sa ibang branch.